Ang Parokya ng Santisimo Rosaryo ay nakiisa sa ika-isang daan at labing walong taon ng Kasarinlan noong Hunyo 12, 2016. ang selebrasyon ay pinangunahan ng Kura Paroko na si Fr. Louie Coronel, OP. Ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay ginanap ng ika-siyam ng umaga, sa wikang Filipino. Ito ay sinundan ng programa kung saan ang lahat ng opisyal, tagapaglingkod at kasapi ng bawat ministro at organisasyon ay nagsipagbihis ng Barong Tagalog at Saya. Ang pinuno ng Kabataan Koro na si Dr. Abel Ines ay naghandog ng makabayang awitin para sa lahat. Ang mga kabataan naman ay nagpamalas ng husay sa pagsayaw ng tinikling, ang ating pambansang sayaw na kinalugdan pati sa ibang bansa. Nagkaroon din ng palaro at pagkilala sa natatanging Ginoo at Ginang ng Kasarinlan. Ang lahat ay nagsalu-salo sa isang masaganang tanghalian.
Ang pagdiriwang na ginawa ay di-lamang nagbigay ng kasiyahan sa mga kasapi ng simbahan kundi nagpatibay din ng samahan at pagtitinginan ng isa’t-isa at pagmamahal sa ating bansa,